Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Palasyo nitong Huwebes ang mga atletang Pinoy nagbigay-karangalan sa bansa sa iba't ibang international competition kamakailan.
Kabilang sa mga Filipino artist na pinarangalan si Jex de Castro na nakamit ang kampeonato sa Stars of the Albion Grand Prix 2023 sa Euro Talent Festival 2023 na ginanap sa London, United Kingdom.
Pinarangalan din ng Pangulo ang mga bagong kampeon na Pinoy boxer na sina Melvin Jerusalem, Charly Suarez, at Marlon Tapales, gayundin ang Makati Football Club na nanalo naman sa Junior Soccer School and League sa Singapore kamakailan.
Kinilala rin ng Pangulo ang tagumpay ng Philippines Men's Ice Hockey team na nagwagi sa World Championships Division IV sa Ulaanbaatar, Mongolia.