Kinaaliwan ng netizens si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa tila paggaya nito sa iconic “Haluuuu” ng Thai businesswoman at owner ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Celeste sa Thailand, at makikita sa isa sa kaniyang mga Instagram stories na paglapag nito sa nasabing bansa ay bumati ito ng “Hello” sa tono ng pagbati ni Khun Anne.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Naaliw naman ang pageant fans at sinabing sweet version ito ng iconic na pagbati ng Miss Universe onwer.

Samantala, kumpirmado naman ang pagbisita ni Khun Anne sa Pilipinas at aniya, handa na raw siya gawin ang kaniyang signature na pagbati.

Inaasahang dadalo si Khun Anne sa coronation night ng Miss Universe Philippines na magaganap sa Mall of Asia Arena sa darating na Mayo 13, kung saan ipapasa ni Celeste ang kaniyang titulo at korona sa magiging bagong Miss Universe Philippines.