Magsisilbing special guest si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng South Africa para sa 2023 coronation night ng Philippine franchise.

Ayon sa Miss Universe Philippines, magiging host si Tunzi sa isang special segment ng kompetisyon.

Nauna nang ipinakilala bilang host ng kompetisyon ang mga aktor na sina Xian Lim at Alden Richards.

Makakasama naman ng mga aktor bilang backstage hosts sina Miss Globe 2021 Maureen Montagne at si Tim Yap.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Special performers naman sina American Idol runner-up Jessica Sanchez at South Korean singer na si Nam Woo-Hyun.

Gaganapin ang MUPH 2023 coronation night sa Mayo 13 sa Mall of Asia Arena.