Naloka ang followers ng social media personality na si Lai Austria matapos lagyan ng "Titikman" caption ang Facebook post ng litrato nila ni dating Manila City Mayor at presidential candidate Isko Moreno Domagoso.

Nagkasama sina Lai at Yorme sa isang "contentan" o collaboration vlog, na mapapanood sa YouTube channel ni Austria. Makikitang binisita mismo ni Lai ang dating politiko sa opisina nito.

'Di na raw makukulong sa banyo!' Lai Austria, 'inayos' caption sa post kasama si Dingdong

Biro pa ni Lai, may napansin daw siyang "bumukol" sa pants ni Isko nang magkaharap sila, nakakaloka!

Matatandaang naging kontrobersyal si Lai nang sitahin siya ng fans nina Kapuso power couple Marian Rivera at Dingdong Dantes, nang lagyan niya ng pilyang caption ang litrato nila ng huli, sa pag-guest niya sa Family Feud.

Sumunod naman ay nang mag-contentan sila ng isa pang vlogger na si Boy Tapang at Xian Gaza.