Ibinahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Marso 27, na isa si 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

Matatandaang nasawi ang gobernador, at walo pang sibilyang nadamay matapos siyang pagbabarili ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona.

BASAHIN:Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

“I think they’re being considered as masterminds but I don’t know yet. I have to get to the panel of prosecutors. But right now, with the way it is progressing, that’s the direction we are heading to,” ani Remulla na pinatutungkulan sina Teves.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Naniniwala rin daw siyang maaaring may dalawa o tatlong masterminds na sangkot sa kaso.

Samantala, patuloy namang itinatanggi ni Teves na sangkot siya sa pagpaslang kay Degamo, ngunit tumatanggi siyang bumalik ng Pilipinas sa kabila ng panawagan sa kaniyang umuwi para harapin ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya hinggil sa pag-ambush sa nasawing gobernador.

Matatandaang pinatawan na rin kamakailan ng Kamara si Teves ng 60-day suspension dahil sa pagtanggi nitong bumalik ng Pilipinas mula sa United States.

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves