APAYAO - Isang 30-anyos na minero ang natagpuang patay matapos maligo, kasama ang pamilya sa Matalag River sa Sitio Cubet, Barangay Malama, Conner, nitong Linggo ng umaga.

Dead on arrival sa Conner District Hospital si Heltherman Ballawe Pallu-uc, binata, at taga-Sitio Tagtag, Brgy. Guinamgaman, Conner.

Sa pagsisiyasat ng Conner Municipal Police Station, nagtungo sa naturang ilog ang pamilya ng binata upang mag-picnic.

Nakita umano ni Jhonny Pallu-uc ang anak na lumalangoy patungo sa gitna ng ilog dakong 10:00 ng umaga hanggang sa hindi na makita.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil dito, kaagad na nagpasaklolo ang mga ito sa Conner Police Station, Bureau of Fire and Protection (BFP)-Conner at sa mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Matapos ang apat na oras na search and rescue operation ay natagpuan din ang binata.