Ang bagong mambabatas na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ay muling nanguna sa isang performance survey ng mga mambabatas sa rehiyon ng Ilocos.

Sa isang survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa pagitan ng Pebrero 25 at Marso 8, 2023, nakatanggap si Marcos ng job performance rating na 95.8%, na statistically tied sa nakuhang 95.6% ni Ilocos Sur 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan, sinundan ni Pangasinan 2nd District Rep. Baby Arenas (88.3%) at Pangasinan 4th District Rep. Toff de Venecia (88.1%).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang rating ni Marcos ay mas mataas pa sa kanyang 93% rating sa nakaraang RPMD survey mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 2022, kung saan siya rin ang nanguna.

Ang first-time na kongresista at Senior Deputy Majority Leader ng Kamara na si Marcos ay nakapaghain na ng 82 na panukalang batas at mga resolusyon bilang principal author at nakapag co-author ng 52 pang ibang panukala.

Si Marcos ay kabilang sa mga pangunahing may-akda ng SIM Registration Act, ang unang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Siya rin ang isa sa mga pangunahing may-akda ng iminungkahing E-Governance Law, Internet Transactions Act, Government Financial Institutions (GFIs) Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act, at ang Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act, bukod sa iba pa.