Ibinahagi ng Kapuso actor na si Paul Salas na malala ang kaniyang trust issues dahil na rin sa napagdaanan sa pamilya. Bukod dito, inamin niya ring naging bitter siya sa kaniyang ex-girlfriend.

Sa pagsalang nila ng kaniyang girlfriend na si Mikee Quintos sa "Fast Talk with Boy Abunda," naunang ibinahagi ni Paul na naging malaki ang epekto sa kaniya ng lockdown noong kasagsagan ng pandemya.

"'Yung karanasan mo sa pamilya, anong ginagawa mo ngayon para makasiguro na napapangalagaan mo ang relasyon mo kay Mikee?" tanong ni Boy.

"Noong lockdown days, I was at lowest point talaga like simula child actor parang ayun 'yung feeling na ngayon lang ako naka-pahinga... then doon ko na-realize lahat like my traumas, hurts," saad ni Paul.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang past trauma raw niya ay noong hindi nag-work yung relationship ng parents niya kaya't nagkaroon na rin siya ng trust issues.

"Dumaan sa akin yung trauma na kapag iniiwan ng karelationship... hindi ko alam 'yun hanggang sa makilala ko siya [Mikee] at parang siya pa yung nakakita no'n sa akin," sey pa ng aktor.

Dahil dito, hindi naiwasan ng TV host na halungkatin ang past ni Paul, pero humingi naman siya agad ng pasensya sa mag-dyowa bago ito pag-usapan.

"Nahirapan ka kapag iniiwanan ka. The last relationship you had was very public. It was extremely public. Ang gulo. How did you survive that?" tanong ni Boy kay Paul.

"Kaya rin po naging toxic dahil mayroon sa sarili ko na nandoon na yung trust issues, nandoon na yung tamang hinala ko. Like aminado po ako sa sarili ko na sobra pa ako sa seloso. Kasi feeling ko kaunting time lang may makausap lang na ibang lalaking kaibigan 'yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako," lahad ng aktor.

"Pero Paul how far did you go in that last relationship?" sundot na tanong ni Boy. "Inakusahan ka ng maraming bagay?... I don't wanna go there because it's the past but you brought it up eh."

"Actually aminin ko po ngayon lang nawala yung pagiging bitter ko sa kaniya [ex-girlfriend] kasi noong time na po na 'yun, hindi ko matanggap na ilabas 'yung mga ganoong news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo," sey pa ni Paul.

Ngayon ay naka-move on na raw ang aktor. 

Matatandaang si Barbie Imperial ang huling naging ex-girlfriend ni Paul Salas.