Puring-puri ni Manay Lolit Solis ang Kapuso actor na si Alden Richards. Aniya, mabuting tao raw si Alden kaya naman ito kayang patumbahin ng mga isyung ipinupukol sa kaniya. 

Sa isang Instagram post ni Manay nitong Lunes, Marso 20, kitang-kita raw kay Alden na mahal na mahal nito ang kaniyang trabaho.

"Kitang kita na mahal ni Alden Richards ang mga ginagawa niya tulad ng Eat Bulaga. Enjoy siya na kasama ang lahat ng nasa noontime show, at maayos ang usapan nila tungkol sa participation niya dito. Kaya walang problema," ani Lolit.

Pero kahit na ganoon ay may mga "nega" na tao raw ang naglalabas ng kung anu-anong isyu tungkol sa aktor. Binigyang-diin ni Lolit na mabuting tao si Alden kaya't hindi ito mapapatumba ng mga isyu.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"Si Alden Richards ay isang mabuting tao na hindi kaya itumba ng mga issue dahil lalabas at lalabas kung ano ang tutoo. Makikita mo lagi ang good intentions sa mga ginagawa ni Alden. Makikita mo ang ugali niya sa ipinakita niyang pagmamahal at loyalty kay mama Tenten," anang talent manager.

"Kaya imposible mo ibintang kay Alden ang hindi paglingon sa mga taong nagmahal sa kanya. Kaya dapat lang sa mga taong gusto sumira kay Alden na huminto na dahil hindi sila mananalo. Mananatiling matatag at matibay si Alden Richards.

"He will still go a long way, kaya tigilan na ng mga walang magawa. Alden Richards is Alden Richards, kahit ano pa ang gawin ninyong paninira, bongga di ba."