Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa kaniyang isipan ang laging iniisyu sa kaniya ng bashers taon-taon: na siya raw ay buntis.

Iyan ang rebelasyon niya sa panayam ng isang kilalang magasin noong Marso 11.

Hindi raw niya maintindihan kung saan nanggagaling ang mga haka-hakang ito, at bawat taon na lamang daw kasi ay may ganito siyang intriga.

“What is the craziest rumor you’ve heard about yourself?” tanong sa kaniya.

Nadine Lustre, itinanggi na buntis siya

“That I’m pregnant. And this happens every year," sey naman ni President Nadine.

“I don’t know why. I don’t know how."

“People just decide that I am pregnant every year. I don’t even look like it.”

Kung totoo man daw na nagdadalantao na siya, walang nakikitang dahilan si Nadine upang ilantad ito sa publiko. Hindi naman daw niya itatago ito.

Kahit noong sila pa ni James Reid, ganito na rin ang intriga sa kaniya, lalo na noong medyo naging inactive siya sa showbiz.

Tinatawanan lamang ito ni Nadine, in fairness. Sa ngayon, masaya sila ng kaniyang boyfriend na si Christophe Bariou.

Ang latest, noong Abril 2, 2022, nag-tweet si Nadine ng tanong kung bakit ba taon-taon ay iniisip ng bashers na buntis siya.

Sa panayam ng isang magasin kay Nadine noong Disyembre 10, 2022, ibinahagi niya ang saloobin tungkol sa pagkakaroon ng sariling anak.

“I’m securing myself na. With the things I’m investing in now, and the things that I’m doing, I ask myself, ‘Is this going to sustain me for the rest of my life?’ Nandoon na siya,” anang aktres at malinaw na sinabing sa pagtuntong niya sa edad 30-anyos sa susunod na taon, hindi pa rin niya nakikitang magkaroon ng anak.

“I don’t want kids yet. I don’t even know if I want kids. Let’s see. If it happens, it happens,” anang aktres.