Naintriga ang mga netizen sa panibagong kumakalat na litrato ng GMA Network at ABS-CBN heads sa isang pagpupulong, kung saan, posible raw na may niluluto na namang collaboration project ang dalawang magkaribal na TV station sa bansa.

Matatandaang nauna na rito ang kasalukuyang tine-taping na teleseryeng "Unbreak My Heart" na pagbabalik-tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, at kauna-unahan namang pagsasama bilang love team ng dalawang Garcia ng network na sina Joshua at Gabbi Garcia.

Hindi naman malinaw kung anong klaseng collab project ang pinag-usapan ng bosses ng dalawang network na pinangunahan nina Annette Gozon at Joey Abacan ng Kapuso at Cory Vidanes kasama pa si Direk Lauren Dyogi ng Star Magic at Kapamilya Network, subalit may mga humihirit na sana raw, reality show naman ang i-collab gaya na lamang ng "Pinoy Big Brother" o PBB.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Screengrab mula sa IG ni Joey Abacan

Anyway, sinabi naman ni Direk Lauren sa panayam ng reporters na as of the moment, hindi na network ang ABS-CBN kundi isang media company at content creator.

Kinikilala nila ngayon ang GMA Network bilang largest network at may pinakamalawak na reach. Sa ngayon daw, ang pokus ng ABS-CBN ay collaboration sa iba't ibang media company upang mas maiparating pa ang kani-kanilang contents sa iba't ibang panig ng bansa at mundo.