Kaugnay ng kontrobersyal na nagaganap na transportation strike ng jeepney drivers kaugnay ng modernisasyon ng pamahalaan sa mga nabanggit na pampasaherong sasakyan, aprub naman sa netizens ang simpleng analohiya ng isang Facebook user tungkol sa tangkang "jeepney phaseout."

Batay sa Facebook post ng nagngangalang "Tatine," maihahalintulad ito sa isang opisina na nagbalak na gawing mas moderno na ang mga gagamiting computer.

"Nagbigay ng memo ang office niyo na papalitan na lahat ng PC niyo ng MacBook," ayon dito.

"Natuwa kasi, wow, MacBook. Mas mabilis. Mas maganda."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Kaso nalaman mo na kayo pala magbabayad. 75,000 ang isa noon, pero huhulugan mo monthly. 7K a month, for the next 10 months."

"Eh paano yan, 18K lang sweldo mo? Pamasahe, kain, bigay kay mama, papa at sa mga kapatid."

"Nakiusap ka, sinabi mo di mo kaya magbayad ng ganoon. Hindi kaya ng sweldo mo."

"Kaso sabi ng company required. Para maganda tingnan. Para di mukhang naghihirap ang company niyo."

"Either pumayag ka maghulog ng bagong mamahalin na laptop, or tatanggalin ka."

"Yan ang Jeepney Phaseout. Yan ang pinagdadaanan ng jeepney drivers. Pipilitin na maghulog ng bagong jeep na hindi nila kayang bayaran. Ikaw nga, kung ganyan mangyari sa hanapbuhay mo, aalma ka."

May hashtag ito sa dulo na "#NoToJeepneyPhaseout."

Screengrab mula sa FB page ni "Tatine"

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 11k reactions, 10k shares, at 621 comments ang naturang FB post.