San Mateo, Isabela -- Arestado ang isang delivery rider kasunod ng isang anti-illegal drug operation sa Brgy. San Ignacio, San Mateo, Isabela, Linggo, Marso 5.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Bernardino Acosta Jr., 53 anyos.

Nakumpiska sa operasyon aang isang 11 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit anim na gramo na may tinatayang market value na Php40,800; buy bust money; isang Realme cellular phone na kulay itim; Easy Ride motorstar 150 colored black na walang plate number at sling bag color black.

Dinala ang suspek kasama ang mga nakumpiskang kagamitan sa San Mateo Police para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek.