Panalo muli ang Magnolia Hotshots matapos patalsikin sa kontensyon ang Terrafirma, 121-115, sa 2023 PBA Governors' Cup sa PhilSports Arena nitong Sabado ng gabi.
Nagawa pang habulin ng Magnolia ang 15 points na bentahe ng Dyip, 107-82, 4:20 na lamang sa fourth period.
Kumana nang husto si Magnolia import Antonio Hester sa nakuhang 40 points at 17 rebounds, sinundan ninaPaul Lee at Calvin Abueva, kapwa naka-16 points, dagdag pa ang 15 markers ni Mark Barroca.
Hindi naman makapaniwala ni Magnolia head coach Chito Victolero sa pagratsadang koponan sa huling bahagi ng laban hanggang sa maitablanila ito sa 110 tungo sa overtime.
Naghulma naman ng 45 points si Dyip import Jordan Williams.
Hawak na na ng Hotshots ang 6-4 record.