"Kinakiligan" ng kani-kanilang mga tagahanga, followers, at subscribers ang hirit ng social media personality-actress na si Donnalyn Bartolome sa kaniyang kapwa content creator na si Zeinab Harake.

Hirit ng kani-kanilang followers, beke nemen puwede raw silang bumida sa isang "Girl Love" o GL series na nauuso naman ngayon.

Sa ngayon kasi ay pareho raw single ang dalawa.

Ibinahagi ni Donnalyn sa kaniyang Instagram story ang litrato nila ni Zeinab.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Tayo na lang ba?" text caption ni Donnalyn.

Screengrab mula sa IG ni Donnalyn Bartolome

"Matagal ng sayo puso ko," tugon naman ni Zeinab matapos itong ibahagi sa sariling IG story.

Screengrab mula sa IG ni Donnalyn Bartolome

Matatandaang noong kaarawan ni Donnalyn ay nag-iwan ng sweet message para sa kaniya si Zeinab.

"Happy birthday to my fav person i love you always and forever ate @donna deserve mo lahat ng magagandang bagay sa mundong to wishing u all the very best dito lang ako palaging sisigaw na proud na proud sayo," aniya.