Arestado ng pulisya ang isang lalaking ginawang car cover o panakip sa kotse ang watawat ng Pilipinas, sa isang lugar sa Mandurriao, Iloilo City.

Ayon sa may-ari ng kotse, hindi niya alam na bandila na pala ng Pilipinas ang ginamit ng kaniyang inutusang tauhan upang takpan ang kaniyang sasakyan.

Mga larawan mula sa Mandurriao PNP

Pag-amin naman ng nabanggit na tauhan, hindi niya alam na bawal na bawal palang gamiting panakip sa kotse ang bandila.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, bawal gamitin ang watawat ng Pilipinas bilang palamuti o pantakip sa kahit anong parte ng mga sasakyan.