Itinanghal si Manila Mayor Honey Lacuna bilang 'Outstanding Public Servant 2023' ng Diamond Golden Peace Care Good Heart World Class Global Award International Philippines, Inc..

Ang naturang karangalan ay ipinagkaloob kay Lacuna sa regular flag-raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes.

Kaugnay nito, laking pasalamat naman ni Lacuna ang award-giving body para sa nasabing pagkilala.

Ibinahagi rin ng alkalde ang natamong karangalan sa kanyang mga opisyal at pati na sa mga kawani ng lungsod na, ayon sa kanya, ay palaging nakasuportasa kanya at sa kanyang mga programa para sa lahat ng residente ng Maynila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Lacuna, ang karangalan ay para sa lahat ng city government workers.

Umaasa rin aniya siya na magsisilbing inspirasyon ang karangalang ito upang higit pa silangmagsikap sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.

Nabatid na may 150 kinikilalang mga indibidwal at organisasyon mula sa iba't-ibang sektor ang pinarangalan din ng nasabingfoundation.

Ito ay mula sa sektor ng business, government service, media, politics at entertainment maging mga personalidad sa iba't-ibang larangan.