BATANGAS -- Patay ang isang punong barangay nang pagbabarilin umano ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng kaniyang asawa noong Linggo ng umaga, Pebrero 26 sa Brgy. San Carlos, Lipa City.

Sa ulat ng Lipa City police, kinilala ang biktima na si Vivencio Palo, residente at kapitan ng nasabing lugar.

 

Bandang 5:20 ng umaga, nasa likod ng pickup vehicle ang biktima habang nagbababa ng mga paninda kasama ang kaniyang misis. Dito ay biglang dumating ang suspek at huminto saglit.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Sa pagkakataong iyon, binaril ng suspek ang biktima at mabilis na tumakas. Isinugod sa sa Mary Mediatrix Center si Palo ngunit namatay ito habang ginagamot. 

Patuloy pa ring nagsasagawa ng follow-up operation at imbestigasyon ang Lipa City police.