Magpapatupad na ng walk-in system ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa Philippine Identification System (PhilSys) registration sa buong bansa.

Ikinatwiran ng PSA, aalisin na ang kanilang online registration portal upang mapadali ang pagpaparehistro ng mga aplikante.

"Starting 23 February 2023, Filipinos who wish to register to PhilSys can head to any registration center and would no longer need to pre-register through online Step 1 via register.philsys.gov.ph—a website initially introduced by the PSA for safe and accessible PhilSys registration during the pandemic," pahayag ng PSA.

“Ngayong mas pinadali na ang pag-register, inaanyayahan namin ang lahat na magtungo sa registration centers at mapabilang sa milyon-milyong nakapagparehistro na sa PhilSys,” pagdidiin naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Umabot na sa 76,681,716 Pinoy ang nakapagrehistro na hanggang nitong Pebrero 20.

Nasa 23,934,533 na rin ang nabigyan ng ng national ID card, ayon pa sa ahensy