Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules, Pebrero 22, na 85,645,362 indibidwal o 78.8% ng household population sa bansa noong 2020 ay Katoliko.
Sa isinagawang sensus ng PSA, pumangalawa ang Islam na may 6,981,710 o 6.4% ng populasyon, habang pangatlo naman ang Iglesia ni Cristo na may 2,806,524 indibidwal o 2.6% ng populasyon sa bansa.
Samantala, kasama rin sa sampung relihiyon na may pinakamaraming kasapi ang mga sumusunod:
Seventh Day Adventist, and Aglipay (0.8%)
Aglipay (0.8%)
Iglesia Filipina Independiente (0.6%)
Bible Baptist Church (0.5%)
United Church of Christ in the Philippines (0.4%)
Jehovah’s Witness (0.4%)
Church of Christ (0.4%)
Sa tala rin ng PSA, sa 17 rehiyon daw sa bansa, ang Bicol Region ang may pinakamataas na proporsyon ng mga Katoliko, na binubuo ng 93.5%. Sinundan ito ng Eastern Visayas na may 92.3%, at Central Visayas na may 90.5%.
Pagdating naman sa 33 highly urbanized cities (HUCs), ang City of Mandaue ang may pinakamataas na proporsyon ng Roman Catholic na may 95%. Sinundan ito ng City of Cebu (94.7%), City of Tacloban (93.5%), at City of Lapu-Lapu (93.2%).
Pagdating naman sa numero, nanguna umano ang Cebu sa mga probinsyang may pinakamaraming bilang ng mga Roman Catholic dahil mayroon itong 3.14-milyong indibidwal (hindi kasama ang tatlong HUC). Sinundan naman ito ng Batangas na may 2.72-milyon, at Camarines Sur na mayroon namang 1.92-milyong kasapi ng Roman Catholic.
Mayorya naman daw ng relihiyon sa BARMM ay ISLAM na may 90.9% ng populasyon nito. Sinundan ito ng Zamboanga Peninsula (18.2%), SOCCSKSARGEN (15.8%), Northern Mindanao 8.5%), Davao Region (3.5%) at MIMAROPA (3.5%).
Pagdating sa probinsya, ang Tawi-Tawi umano ang may pinakamataas na proporsyon na may relihiyong Islam na may 97.2% ng household population.