Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isang Cessna plane ang nawawala matapos itong lumipad galing sa Bicol International Airport nitong Sabado, Pebrero 18.

Ayon sa CAAP, ang Cessna 340 na may tail number RP-C2080 aircraft ay umalis sa airport bandang 6:43 ng umaga.

Huli umanong nagkaroon ng komunikasyon sa Cessna plane bandang 6:46 ng umaga sa Camalig, Albay.

Inaasahang makarating sa Manila ang nasabing aircraft sa dakong 7:53 ng umaga.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang nasabing nawawalang six-seater aircraft ay may sakay umanong apat na indibidwal: ang piloto, isang crew at dalawang pasahero.

Matatandaang noong Enero 24 ay isang Cessna 206 aircraft galing sa Isabela naman ang nawala na may sakay anim na indibidwal.

Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad dito.