Nakarating na sa kaalaman ni Ryza Cenon ang kumakalat na meme patungkol sa kaniya, mula sa naging viral na eksena niya sa "Ika-6 na Utos" ng GMA Network kung saan may hawak at tutok siyang laruang water gun kay "Emma," na ginampanan naman ng nagbabalik-Kapusong si Sunshine Dizon.

"Nakaluwag-luwag na si Ante," saad sa caption, kalakip ang inihambing na litrato niya sa isang eksena sa matagumpay na pilot episode ng "FPJ's Batang Quiapo" noong Lunes, Pebrero 13, kung saan may hawak siyang baril.

"Yun nga!!!" reaksiyon ni Ryza. Niretweet niya ang meme at mukhang pati siya ay naaliw.

'Umasenso na si Georgia!' Meme kay Ryza Cenon sa pilot episode ng 'Batang Quiapo,' kinaaliwan

https://twitter.com/iamryzacenon/status/1625139570575835137

Subalit hindi niya ikinatuwa ang isang basher na nagsabing inggrata o wala siyang utang na loob sa Kapuso Network na kaniyang dating home network, matapos niyang umober da bakod sa Kapamilya Network.

"Inggrata never ka na makakabalik sa GMA," sey ng basher.

Niretweet naman ito ni Ryza at kinomentuhan, "Move on na tayo. Freelance po ako ano issue natin? Happy 💗s day!"

https://twitter.com/iamryzacenon/status/1625372769948176384

Matatandaang taong 2018 nang lumipat sa ABS-CBN si Ryza at naging bahagi ng teleseryeng "The General's Daughter" na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Bukod sa napagdesisyunan ng Viva Talent Agency ang kaniyang paglipat, kinasabikan din ito ni Ryza dahil nais niyang matuto sa mahuhusay na Kapamilya workers at talents.

“Kaya rin ako nag-decide na lumipat kasi gusto ko mag-explore din. Gusto kong makatrabaho ‘yung magagaling. Gusto ko matuto sa kanila," sagot ni Ryza noon sa isang panayam.