Sa pamamagitan ng Speaker’s Disaster Relief and Rehabilitation Initiative (SDRRI), magbibigay ng donasyong $100,000 ang Kamara bilang tulong sa libu-libong biktima ng 7.8-magnitude na lindol sa Turkey noong Pebrero 6.

Ang Turkey ang isa sa naunang bansa na tumulong sa Pilipinas matapos manalasa ang Super Typhoon "Yolanda" (international name Haiyan) noong Nobyembre 2013.

Mahigit sa 6,000 katao ang namatay at marami pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyo. Libu-libong pamilya ang nangawalan ng mga tahanan.

"Ang ayuda ng Turkey, United States at ng ating mga alyado at kaibigan sa ibang bansa, ay malaking ginhawa sa hirap at sakripisyo ng ating mga kababayan," aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ipagkakaloob ni Romualdez ang $100,000 assistance kay Turkey Ambassador sa Pilipinas na si Niyazi Evren Akyolsa Batasang Pambansa Complex, Quezon City.