Inihain ni Senador Ramon "Bong" Revilla ang Senate Bill No 1792 o ang “No Homework Act of 2023” nitong Sabado, Pebrero 11, na naglalayong magkaroon ng polisiya na magbabawal sa mandatong pagbibigay ng homework sa mga estudyante sa elementary at junior high school tuwing weekends.

Sa ulat ng PNA, sinabi ni Sen. Revilla na nagpapababa sa performance at pagiging produktibo ng mga estudyante sa edukasyon ang take-home assignments, kaya nagiging daan din ito sa pagkakaroon ng maraming dropout rates.

“Countries that have significantly reduced homework load on students expounds that there is a correlation between assigning more homework to students and increased level of anxiety that leads to low motivation in school work. The additional time allows the children to relax their mind, and increases their ability to better grasp concepts,“ ani Revilla sa kaniyang explanatory note.

Sa ilalim ng panukalang batas, tuwing weekdays lamang maaaring bigyan ng mandatory take-home assignments ang mga estudyante. Ngunit kapag binigyan sila ng homework, kinakailangang minimal lamang o hindi sila gugugol ng mahigit dalawang oras para tapusin ito. Dapat din umanong boluntaryo lamang ang kanilang paggawa sa naturang homework.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Less homework gives parents more time with their children, allowing the latter to engage in more co-curricular activities,” ani Revilla.