Dinaan na lang sa biro ng kilalang content creator na si Dr. Alvin Francisco ang pagpapaalala sa kaniyang mahigit isang milyong followers laban sa talamak na online scams.

Ito’y matapos gamitin ang kaniyang identity sa isang dating application na Tinder at madiskubre nga kamakailan.

Sa ibinahaging pekeng profile, kapansin-pansin ang tila detalyadong impormasyon ng doktor sa naturang app.

Natatawang pagpapabula na ng doktor: “Wala akong tinder at di po ako mahilig mag-English,” aniya habang binalaan ang followers na mag-ingat sa mga katulad na panloloko.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Narito ang istura ng aakalain mong totoo ngunit peke pa lang account ng doktor sa patok na app:

Umabot na sa mahigit 46,000 reactions ang naturang post na naibahagi na ng nasa 191 beses.

Kilala si Doc Alvin sa kaniyang mga health related contents na kadalasa’y nagpapaliwanag sa ilang viral na usaping pangkalusugan online.

Basahin: Maligo nang pagod? Gawaing ‘akala mo masama, pero hindi pala,’ binasag ng isang doktor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala sa Pilipinas, para resolbahin ang isyu ng scams, nakikita ng pamahalaan ang SIM Registration Act para lipulin ang laganap na online scams sa pamamagitan ng pagsiguro sa mga lehitimong numero na kadalasa’y kinakailangan sa ilang transaksyon online.