Marami ang nagulat sa balitang ikinasal na ang isa sa lead vocalists ng sikat na bandang "Ben&Ben" na si Miguel Benjamin, ayon sa update ng keyboardist nilang si Pat Lasaten.

"Puwede na mag-post! Congrats MigRelle!" sey sa text caption ni Pat kalakip ang video clip ni Miggy kasama ang misis na si Karelle Bulan.

Makikita rin ito sa mismong IG post ni Miggy.

"Umaga na sa ating duyan," aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Sa hirap at ginhawa/lungkot at ligaya/Ikaw ang kasama, ang aking mahiwaga," saad pa niya.

Batay sa IG post ni Miguel, dumalo sa kaniyang kasal ang mga kabanda.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Happy for you Miguel kahit ang sakit! Chariz."

"Woaahhhh..."

"Congrats Miguel and Karelle!"

"Hahahaha yehey... nakakatuwa naman."

Congrats, Miggy!