Pipiliting makuha ng Ginebra San Miguel ang ika-apat na sunod na panalo sa pakikipagtunggali sa Magnolia Hotshots sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Pebrero 12 ng hapon.

Ito ay sa kabila ng hindi paglalaro ni 6'9" power forward Japeth Aguilar dahil sa iniindang knee injury na nakuha niya sa kanilang laro laban sa NLEX nitong Miyerkules, Pebrero 8.

Sinabi ni Gin Kings coach Tim Cone, posibleng hindi magamit si Aguilar sa mga susunod nilang laban.

Aniya, posible ring maglaro si Christian Standhardinger sa Linggo laban sa Magnolia sa kabila ng kanyang knee injury. Hindi nakalaro si Standhardinger sa nakaraang dalawang games ng koponan.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Nitong Biyernes, naitala ng Gin Kings ang ikatlong sunod na panalo kontra NorthPort, 115-100.

Inaasahan naman ni Cone na magiging matindi ang salpukan nila ng Magnolia dahil sa mahusay na bagong import na si Antonio Hester.

Naitala ng Hotshots ang unang panalo laban saPhoenix Super LPG Fuel Masters, 108-95, nitong Biyernes, kung saan humakot si Hester ng 28 points at 12 rebounds.

Hawak na ng Magnolia ang1-3 record.