“Your onions have helped another home.”

Matapos ang kanilang ‘Pay with Sibuyas’ campaign, inilunsad ng Japan Home Centre ang kanilang community pantry sa Panay Avenue branch sa Quezon City nitong Miyerkules, Pebrero 8.

Basahin: ‘Onions for payment!’ ‘Japanese store’, tumatanggap ng sibuyas bilang bayad sa selected items

Sa Facebook post ng Japan Home Centre, nagpasalamat sila sa partner nilang Mayani at sa mga magsasaka sa Lian, Batangas na nagkaloob ng mga prutas at gulay para sa pantry.

Eleksyon

Rowena Guanzon, suportado si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila

Nagpasalamat din sila sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang ‘Pay with Sibuyas campaign’ kung saan maaaring gawing pambayad ng kanilang customers ang sibuyas.

Katulad daw ng kanilang ipinangako, ipinamigay at ginamit ng store ang nakolektang mga sibuyas para sa kanilang inilunsad na community pantry.

“Your onions have helped another home,” pahayag ng nasabing store.