Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. patungong Japan nitong Miyerkules, Pebrero 8.

Kasama ng Pangulo si First Lady Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa limang araw na official visit bilang tugon sa imbitasyon ni Japanese Prime MinisterKishida Fumio.

Sa kanyang departure speech, binanggit ni Marcos na isusulong niya ang interes ng bansa bilang mapagkakatiwalaang destinasyon ng pamumuhunan, pagpapatibay ng relasyong Pilipinas-Japan, at pagpirma ng iba't ibang kasunduan na sasaklaw sa mas malalim na ugnayan ng depensa, seguridad, pampulitika, ekonomiya at mga kooperasyon sa iba't ibang sektor.

Tampok din sa pagbisita ni Marcos sa Japan ang pakikipagpulong nito kina Japanese Emperor Hirohito Naruhito and Empress Masako.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Bukod dito, makikipagpulong din si Marcos sa Filipino community sa Japan.