Nagsagawa ng libreng x-ray examinations ang Las Piñas City Health Office (CHO) nitong Martes, Peb 7 sa mga residente ng lungsod na naglalayong matukoy ang mga kaso ng pulmonary tuberculosis.

Sinabi ni Mayor Imelda Aguilar na siya at si Vice- Mayor April Aguilar ang nagpasimula ng proyekto upang matiyak na ang mga residente ng lungsod ay malaya sa tuberculosis na isang nakahahawang sakit.

Sinabi niya na ang libreng x-ray ay makakatulong sa maagang interbensyon at pamamahala ng sakit.

Sinabi ng alkalde na nagsagawa ng case-finding ang CHO sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng x-ray at koleksyon ng plema.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang serbisyo ay inaalok ng libre sa mga senior citizen at mga batang may edad 15-anyos.

Aniya, magsisilbi ang programa sa 20 barangay ng lungsod.

Sinabi ng alkalde na ang mga residenteng may tuberculosis base sa resulta ng x-ray ay agad na sasailalim sa sputum examination at ire-refer sa barangay health centers para magamot at maobserbahan.

Basahin: Las Piñas, nag-aalok ng libreng konsultasyon sa mata, operasyon sa katarata – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nag-alok ng libreng eye checkup at cataract surgery sa mga kwalipikadong pasyente sa parehong lungsod.

Jean Fernando