Kinubra na ng isang construction worker ang kalahati ng jackpot na ₱521 milyong napanalunan sa lotto kamakailan.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nasabing mananaya ang mismong tumanggap ng premyo nitong Enero 19.

Ayon sa PCSO, taga-Davao City, Davao del Sur, ang 35-anyos na isa sa winner sa 6/58 Ultra Lotto draw noong Disyembre 30, 2022.

“Hindi na ako mag-e-extra.Sa totoo lang po gusto ko lang naman magkaroon ng bahay at lupa kaya ako tumataya nglotto.Sobra-sobra na po itong ibinigay ng Panginoon sa akin," sabi pa nito.

Nahulaan din ng naturang mananaya ang winning combination na 01-23-15-03-08-05. Kahati nito sa premyo ang isang government employee na taga-Tacloban City, Leyte na nauna nang kumubra nitong Enero 11.

Isa namang 47-anyos na taga-alaga ng baboy na taga-Ibaan, Batangas ang nag-uwi naman ng ₱29.7 milyon sa Grand Lotto 6/55 draw itong Enero 21 kung saan nahulaan nito ang winning combination na 03-44-10-13-23-11.

Philippine News Agency

.