Ni-like ni Kapuso trivia master at TV host Kuya Kim Atienza ang isang tweet na ulat na nagpapakita ng clip mula sa naging pahayag ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa live telecast ng 'It's Showtime," tungkol sa pagiging trending ng isang "Kuya" matapos na "sawsawan" ang isyu ng netizen sa kanilang dalawa ng co-host na si Karylle.

https://twitter.com/OfficialKpex/status/1621376654760349697?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1621376654760349697%7Ctwgr%5E1537cc855abc8731e3cdf63c17c4c13185dd4f5d%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2Fentertainment%2Fcelebrities%2F150727-kuya-kim-atienza-likes-video-vice-ganda-ikaw-talaga-kuya%2F

'Sawsawero daw?' Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

Matatandaang napaulat na rin sa Balita na marami sa netizens at ilang fans ni Karylle ang umalma sa hindi makatarungang "pambabastos" umano ni Vice kay Karylle sa kanilang show, gayundin ang treatment ng una, na mas tila nauungusan pa ng mga bagong dagdag na hosts na kung hindi mina-manage daw ng komedyante, ay mga kaibigan niya.

Agad namang humingi ng dispensa si Vice sa kaniyang sablay na hirit.

Noong Biyernes, Pebrero 3, nagbiruan sina Vice at Karylle nang live. Hirit ni Vice, gagawa sila ng video ni Karylle at magsasabunutan sila dahil iyon daw ang gusto ng karamihan, ang mag-away-away sila.

Hindi naman inaasahan ng lahat ang tila pabiro subalit makahulugang parinig ng komedyante sa isang "Kuya."

“‘Yun ang bet nila, yung magkaaway tayo [Karylle] kunwari tas maraming maglalike-like para involved sila. Yes! Trending din siya, nakuha niya ang gusto niya. Ikaw talaga Kuya!,” saad ni Vice.

Nagpakawala rin ng "story time" si Vice at sinabi niyang okay na okay sila ni Karylle, sa pamamagitan ng Twitter.

Nagkakaisa ang mga netizen na ang tinutukoy umanong "Kuya" ni Vice ay si Kuya Kim.

Sa kasagsagan ng paglutang ng pangalan ni Karylle sa Twitter dahil sa isyung ikinakapit sa kanila ni Vice Ganda, ay nagpakawala ng tweets si Kuya Kim na "sumusuporta" sa singer-actress. Matatandaang isa sa mga orihinal na host ng Showtime ang trivia master noong nasa ABS-CBN pa ito.

Isa pa, napansin din ng mga netizen ang pag-like umano nito sa mga patutsada ng ilang netizens kay Vice Ganda, bagay na hindi pa kinukumpirma o ipinaliliwanag ng trivia master.