Ikinagulat ng mga tagasubaybay ng teleseryeng “Darna” ang bagong costume ng karakter ni Janella Salvador na si Valentina sa pag-ere nito kagabi, Pebrero 3.

Matagumpay na ibinalik sa buhay ni Heneral Borgo si Valentina matapos nitong mapatay ng kanyang “Super Soldiers” kasabay ng pagkakatuklas nito na si Darna at ang matalik niyang kaibigan na si Narda ay iisa.

Jane De Leon (Darna) at Janella Salvador (Valentina)/Screengrab mula sa Kapamilya Online Live

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Umani ng reaksyon mula sa netizens ang “venomous comeback” na ito ni Valentina. Narito ang ilan sa kanila:

“Ang ganda ng new costume ni Valentina!!! Sana lang mas makintab yung texture ng costume nya, yung parang madulas tignan para mas maganda. Pero ang ganda and gusto ko yung throat!!”

“Ako lang ba pero nakulangan ako? Gusto ko sana may armor padding sa shoulders and knees na metallic snakeskin. Tapos greenish skin to blend with the costume. Pero anyway, she’s sexy. They still could have done more though.”

“Bet ko tong new version ni Valentina kaso nasasayangan lang ako dahil 5 days na lang din naman. Sana kasi noon pa dapat binago yung costume.”

Ibinahagi naman sa Instagram ng aktor na si Mac Manicad ang larawan nila ni Janella suot ang kani-kanilang bagong costume.

Sa huling limang episodes ng “Darna,” inaabangan ang huling sagupaan ng mortal na magkabalan at umaasa rin ang iilan na may pasabog din sa costume change ni Darna.

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang mall shows ng casts ng “Darna” para pasalamatan ang mga sumuporta sa kanilang programa.

Mapapanood ang huling linggo ng “Darna,” alas-otso ng gabi sa lahat ng ABS-CBN platforms.