Naaalarma na ang singer, actor, piloto, at army reservist na si Ronnie Liang sa mga kumakalat na pekeng social media accounts na ginagamit ang litrato at identidad niya upang makapanloko ng ibang tao at makahuthot ng pera sa kanilang biktima.

Unang nagpaalala tungkol dito si Ronnie noong Enero 22 via Instagram account.

View this post on Instagram

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

"I have received reports that the Instagram account @ronnieliang12 is sending private messages, asking for money, and inviting people for meet-ups," ani Ronnie.

"Please be informed that it is an IMPOSTOR and FAKE account. I only have one official Instagram account, so if you ever receive private messages from this @ronnieliang12 account, please ignore, block, or report them. Thank you," babala niya sa publiko.

Enero 24 ay muli niyang inulit ang kaniyang babala.

Nitong Enero 28, muli siyang nag-post tungkol dito dahil napag-alaman daw niyang maraming impostor ang gumagamit ng kaniyang pangalan para makapangikil ng pera sa iba.

Ginagamit daw ang litrato niyang nakasuot ng military uniform at ginagawang profile picture sa mga dating apps, lalo na sa ibang bansa. Isang concerned netizen mula sa bansang Norway ang nagpabatid nito sa kaniya sa pamamagitan ng private message.

"IT IS SO ALARMING! There are many impostors doing romance and catfish scams using my identity. It's happening not only in the Philippines but also in Europe. One fake account pretended to be a US Army and even created a fake Military I.D. using my photo."

"Another bogus profile friended people on social media and asked for meet-ups, another asked for money, and another flirted shamelessly using my pictures and videos. They deceived women who thought we were in a relationship for financial gain. I had heard it before but shrugged it off, thinking it wasn't serious. Pero sobrang dami na pala."

"People sent me proof that they gave money to these scammers and asked me if I had received them (Sa mga nag send, paki send po ulit kasi di ko na mahanap sa dami ng messages). Haist, Grabe! I hope the PNP Anti-Cybercrime Unit can do something about this."

Biro na lamang ni Ronnie, "Punta po ako dyan one of these days. Hindi ko alam na ang dami ko na palang karelasyon sa iba't ibang bansa (sana true haha)."