Isang dating pulis na may kinakaharap na kasong carnapping ang dinampot ng pulisya sa Maynila nitong Lunes. Enero 30.

Si Remigio Niala Estacio, 63, taga-Tondo, Maynila ay inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Ermita dakong 2:34 ng hapon.

Ang pag-aresto ay alinsunod sa warrant of arrest na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Branch 27 Judge Teresa Soriaso noong Abril 2, 2022 sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act (Republic Act 6539).

Inirekomenda ng korte ang piyansang ₱300,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nasa kustodiya na ng CIDG-Manila District Field Unit si Estacio.