Apektado ngayon ng red tide ang 10 coastal waters sa Visayas at Mindanao, ayon sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa abiso ng BFAR nitong Miyerkules, positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Kabilang din sa apektado ng red tide ang San Pedro Bay sa Samar; at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte.
Babala ng ahensya, hindi ligtas na kainin ang lahat ng shellfish at alamang na hinahango sa mga naturang lugar.
"Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking," sabi pa ng BFAR.