Kinondena ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Enero 23, ang pagpatay sa isang 35-anyos na overseas Filipino worker (OFWs) na ang bangkay ay sinunog at natagpuan sa disyerto sa Kuwait.

Nakiramay si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople sa ina ng OFW na si Jullebee Ranaza na natagpuang patay noong Linggo, Enero 22, 2023, sa disyerto sa Kuwait. Inaresto ng mga awtoridad ng Kuwait ang anak ng kanyang amo.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kasalukuyan nilang hinihintay ang opisyal na ulat ng insidente mula sa mga awtoridad ng Kuwait hinggil sa pagpatay kay Jullebee Ranara.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I urge the Kuwaiti government to work on the early resolution of the case and its perpetrators brought to justice,” sabi ni Ople.

Ang insidente na kinasasangkutan ni Ranara ay iniulat ng Kuwait media noong Linggo ng gabi, kabilang ang pag-aresto sa anak ng kanyang amo.

Samantala, personal na binisita ni Ople ang pamilya ni Ranara sa Metro Manila at tiniyak sa kanila ang kinakailangang suporta ng departamento.

Aaron Recuenco