Nagbigay ng kaniyang saloobin si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa tipikal na tawag kapag ang isang tao ay laging huli sa itinakdang oras na inaasahan siyang naroon na---ang "Filipino Time".

Sa Pilipinas, kapag sinabing "Filipino Time", nangangahulugan itong hindi eksakto sa pinag-usapang oras ang pagdating ng isang tao, o kaya naman ay pagsisimula ng isang palatuntunan.

Aniya sa tweet, "Friends? I feel bad when the term 'Philippine time' is mentioned and is used on a person who simply doesn’t arrive on time."

"Sad no?" giit ni Gary.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa sa mga halimbawa ng singer ay ang laging idinadahilan kapag huling dumarating sa isang napagkasunduang oras: trapiko!

"Guys? Even when traffic is bad… we can still find a way to arrive on time. Kaya natin ‘to," ani Gary V.

https://twitter.com/GaryValenciano1/status/1617015882559156224

Nagkomento naman dito ang kasamahang singer sa "ASAP Natin 'To" at produkto ng "The Voice Kids" season 1 na si Darren Espanto.

"Kuwento natin ‘to… Musika natin ‘to… Kaya Natin ‘To… ay iba po pala HAHA," biro ni Darren.

https://twitter.com/Espanto2001/status/1617017038458982402

Nagbigay rin ng reaksiyon at komento ang mga netizen.

"Arriving on time for an appointment or commitment boils down to discipline and yes, respect. Hindi lahat meron. Minsan mismong mga Boss ayaw galangin ang oras ng subordinates. Sad. Really sad."

"For me it's always about respect. Respecting your time and theirs. If they don't arrive on time w/o reason, they think their time is more valuable than yours, consciously or not. On the other hand, if you are late, you don't respect yourself enough to be true to your word."

"Same, Tito Gary. I can relate because I value mine and other people’s time a lot that whenever there’s a call time for sumthn, I make sure to arrive on or before such time that’s why I hate it when someone is always or really really super late."

Samantala, hindi naman binanggit ni Gary kung ano o sino ang "hugot" niya at nakapag-tweet siya nang ganito.