Nakauwi na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mula sa dinaluhang World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Sa kanyang arrival speech, kumpiyansa ang Pangulo na ang mga isinagawang pulong at dayalogo hinggil sa katayuan ng Pilipinas sa napapanahong mga isyu ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa bansa.

“Lahat naman ng ating nakakausap ay nakikinig at sinasabi naman, optimistic naman kami na sa lahat ng ating kinausap, sa ating sinubukang kumbinsihin,

Nagpaliwanag, ay maganda naman ang naging pagtanggap sa mensahe na dala namin ng Philippine delegation dito sa World Economic Forum sa Davos,” pagdidiin ng Pangulo.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Tiniyak ni Marcos na pagbubutihin ang nasimulang mga talakayan at patuloy na magsisikap hanggang sa makamit ang positibong resulta ng mga ito.