Inihayag ng business tycoon na si Lance Gokongwei na mag-business partners na sila ng kapwa business magnate na si Jaime Zobel de Ayala, matapos ang merger ng kani-kanilang mga bangko.

Ayon sa Facebook post ni Gokongwei kahapon ng Biyernes, Enero 20, aprubado na ang merger ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ng mga Zobel de Ayala at Robinsons Bank na pagmamay-ari naman ng mga Gokongwei.

Makikitang nag-swap silang dalawa ng kulay ng suot na damit bilang simbolo ng merger ng dalawang bangko.

"Jaime Augusto Zobel de Ayala and I are now partners, after the approval of the BPI- Robinsons Bank merger. Am wearing a BPI red sweater; and Jaime, a Robinsons Bank green tie!"

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

"Looking forward to a great partnership," ayon sa caption ng FB post ni Gokongwei.

Sa kaniyang Facebook post naman ay binanggit din ito ni Zobel de Ayala.

"Color swap with Lance Gokongwei in celebration of the approved merger of our two institutions, BPI and Robinsons Bank," ayon naman sa caption ng negosyante.

Parehong dumalo sa World Economic Forum sa Switzerland ang dalawang bigating negosyante sa Pilipinas.