Pinaplano na rin ng gobyerno na umangkat ng hanggang 450,000 metriko toneladang asukal para sa dalawang buwan na imbak ng bansa.

Sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) board member Pablo Azcona sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules, ang naturang hakbang ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Aniya, nasa draft stage pa lang ang ahensya para sa planong pag-aangkat ng refined sugar at ilalatag pa ito sa mga kinauukulan, kabilang ang Department of Agriculture (DA) upang makuha ang kanilang pahayag.

Matatandaang inihayag ni Marcos nitong Lunes na titiyakin ng pamahalaan na mapanatili ang imbak na asukal para sa dalawang buwang suplay ng bansa, sa pamamagitan ng pag-aangkat ng produkto.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Layunin din nito na mapababa ang presyo ng asukal sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa bansa.