Ibinahagi ng aktres at author na rin ng aklat na si Maricar Reyes-Poon na isa siyang lisensiyadong doktor, subalit hindi niya ito isinasapraktika sa kasalukuyan.

Makikita sa Instagram post ni Maricar ang kaniyang paglalahad tungkol dito, at paliwanag kung bakit wala siya sa ospital ngayon at isinasagawa ang kaniyang pinag-aralan sa kolehiyo.

"Yes I'm a licensed MD, but I was never the best in class. Yung 2 kasama ko dyan sa photo? (Hi Marga & Janice 😁)," ani Maricar sa kaniyang IG post noong Enero 15.

"They always had wayyyy better grades than me. Naka-insecure at inisip ko, 'HOW AM I GOING TO COMPETE WITH THEM EH ANG GAGALING NILA?'"

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Pero in time mas nakita ko kung saan ako mas-nageexcel
"

"Listening & understanding people. (Kaya pala nung college I got an 'A' in our Psychology subject with minimal effort.)"

"This is also why I was able to write my book — by understanding and explaining my own struggles, it may help someone else with their own challenges."

"Ang saya to see that a fellow doctor used my book to help with her patient’s depression."

"And that it answered another woman’s deep questions about life."

"Doktor pa rin ako— but only for the basics, mga ubo, sipon, first aid ganern haha!"

"I excel elsewhere."

"YOU were created to excel at something too. May we all find AND FUNCTION in our own unique gifts," saad pa ni Maricar.

Marami naman sa mga netizen ang humikayat kay Maricar na at least daw ay mag-masteral program siya sa Psychology dahil sayang naman daw ang gift niya kung hindi magagamit.