Nahablot muli ni Ginebra resident import Justin Brownlee ang Best Import award nitong Biyernes dahil na rin sa solidong performance nito sa 2022-2023 PBA Commissioner's Cup nang dalhin muli nito ang kanyang koponan sa finals.
Naungusan ni Brownlee sina Magnolia import Nick Rakocevic at San Miguel import Devon Scott.
Unang napitas ni Brownlee ang award sa 2018 PBA Commissioner's Cup at naulit ito noong 2021--2022 Governor's Cup.
Si Brownlee ay nasa likod lang nina NLEX import Earl Clark at Converge import Quincy Miller si Brownlee kasunod ng pagsasara ng elimination round.
Gayunman, nanguna na ito nang sumabak na sila sa semifinals.
Sa ikalawang pagkakataon, nahablot muli ni Ginebra shooting guard Scottie Thompson ang Best Player of the Conference (BPC) award.
Tinalo niya ang kakamping si Jamie Malonzo, Robert Bolick (NorthPort), CJ Perez (San Miguel Beer), at Don Trollano ng ngn NLEX Road Warriors.
Naiuwi ni Thompson ang unang BPC award sa nakaraang PBA Governor's Cup noong Abril 2022.