Nakuha na ng Barangay Ginebra San Miguel ang bentahe sa PBA Commissioner's Cup Finals series matapos kaldagin ang guest team na Bay Area Dragons, 89-82, sa Game 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

Nagsanib-pwersa sina Scottie Thompson at Jamie Malonzo upang maisakatuparan ang mahahalagang buslo sa fourth quarter.

Tampok sa puntos ni Thompson ang isang putback, 1:26 na lang ang natitira sa final period, bukod pa ang tres ni Malonzo kaya nakuha ng Gin Kings ang 84-79 bentahe.

Humakot naman si Ginebra import Justin Brownlee ng 34 puntos, 15 puntos naman ang naiambag ni Christian Standhardinger, 14 produksyon ni Thompson at 10 puntos naman kay Malonzo.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Ginamit ng Gin Kings ang 'never-say-die' spirit nito nang habulin ang 14 na bentahe ng Dragons.

Kumubra naman si Andrew Nicholson ng 23 puntos, 24 rebounds bago mailabas sa playing court dahil sa injury sa huling bahagi ng laban.

Hawak na ng Ginebra ang 2-1 bentahe sa serye.

Itinakda ang Game 4 sa Biyernes sa nasabi pa ring venue.