Mukhang isang bird lover din ang aktor na si "Coco Martin" matapos ipakita ang ilang mga litrato kasama ang iba't ibang ibon, na nasa loob ng hawla.

"Kaway-kaway sa mga bird lovers dyan," saad sa caption ng Facebook post ngayong Enero 3, 2023.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Hindi naman malinaw kung pagmamay-ari ba ni Coco ang naturang mga ibon, o nakalagak ang mga ito sa isa sa kaniyang mga property. Hindi rin tiyak kung si Coco ba ang nag-upload ng mga litrato o admin lamang ng naturang Facebook page.

Hindi rin sure kung latest ba ang naturang litrato, ngunit inupload ito ngayong araw.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Wow ang ganda naman idol!"

"Bird lover ka rin pala, idol! Nakakatuwa kasi mapagmahal ka sa mga hayop. Ibig sabihin, talagang mabuti ang puso mo."

"Ganda ng mga birds n'yo."

Patuloy pa ring mapapanood sa mga sinehan ang pinagbidahang pelikula nina Coco kasama ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria, sa Metro Manila Film Festival movie entry na "Labyu with an Accent".

Kasado na rin ang muli niyang pagbabalik-Primetime para sa isa na namang remake ng classic movie ni Da King Fernando Poe Jr., ang "FPJ's Batang Quiapo".