Tatlong katao ang nasugatan nang sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Pasig City, Lunes.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Apolonio Capistrano, 51, at Cesar Capistrano, 44, na kapwa nagtamo ng 2nd Degree Burn (Superfacial Partial Thickness Burn) at si Ian Cabuga, 17, na nagtamo naman ng mga sugat sa magkabilang braso at mga kamay.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-11:48 ng umaga nang maganap ang insidente sa 145 Narra St, Daang Paa, Kalawaan, Pasig City, na pagma-may-ari ng isang Carolina Duro.

Sa hindi pa mabatid na kadahilanan ay bigla na lang umanong sumabog ng tangke ng LPG na nagresulta sa pagkasugat ng mga biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sila ay pawang naisugod na sa Pasig City General Hospital upang malapatan ng kaukulang lunas.