Ibabalik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa Martes, Enero 3.

Sa abiso pamunuan ng MRT-3, dakong 4:36 ng madaling araw ang unang biyahe ng kanilang tren mula North Avenue Station sa Quezon City at dakong 5:18 ng madaling araw naman ang arangkada ng kanilang tren mula sa Taft Avenue Station.

Dakong 9:30 ng gabi ang huling biyahe naman ng tren nito mula North Avenue Station habang ang huling tren na aalis Taft Avenue Station ay 10:11 ng gabi.

Paalala rin ng MRT management, obligado pa rin ang pagsusuot ng face mask at ipinagbabawal pa rin ang pagsasalita at pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan, maging sa mga telepono habang nasa loob ng tren. 

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos