Naglabas ng ilang safety tips ang Philippine Red Cross (PRC) para sa ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Binanggit ng PRC, mas makabubuti kung iiwas na lamang sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas din sa panganib na maaaring idulot nito.

Para naman sa mga taong magpapaputok, pinayuhan silana gumamit lamang ng mga authorized fireworks at firecracker products.

Dapat ding sunding mabuti ng mga ito ang mga ibinigay na instructions ng manufacturer ng paputok.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Mahigpit ang paalala ng PRC na huwag gumamit ng posporo, kandila, lighter, sparkler, at sigarilyo sa pagsisindi ng fireworks at firecrackers.

Sa halip, mas makabubuti anilang gumamit na lamang ng mosquito repellent coils.

Sakali namang magsimula nang magsindi ang firework o firecracker ay dapat nang mabilis na lumayo dito. “DO NOT stand over it,” anang PRC.

Sakaling hindi magsindi ang paputok matapos itong sindihan ay huwag nang subukang damputin o sindihan itong muli.

Sa halip, dapat lumayo na sa naturang dahil maaaring biglang magsindi at sumabog.

Pinayuhan rin ng PRC ang publiko na magsuot ng mga safety equipment, gaya ng mga hard hat, gloves, ear plugs, face mask, at goggles kung magpapaputok.

Para naman sa mga napaso o nasugatan dahil sa paputok, pinayuhan sila ng PRC na kaagad na hugasan at linisin ang bahagi ng katawan na nasugatan upang mabawasan ang init nito.

Sa sandaling malinis na, dapat anilang patuyuin ang sugat, gamit ang malinis na tela.

Pinayuhan din ng PRC ang publiko na maaaring kontakin ang Red Cross 143 o (+632) 87902300 para sa emergency medical services.