Inaasahang raratsada muli ang Barangay Ginebra San Miguel (BGSM) laban sa Bay Area Dragons upang makuha ang Game 2 sa kanilang PBA Commissioner's Cup Finals series sa Araneta Coliseum ngayong Miyerkules, Disyembre 28, ng hapon.

Tinambakan ng Gin Kings ang Dragons, 96-81, sa Game 1 nitong Disyembre 25.

Hangad na masundan ng Ginebra ang nasabing panalo upang maipreserba ang 2-0 lead sa serye.

Naipanalo ng BGSM ang Game 1 matapos malimitahan ang produksyon ng import ng Dragons na si Andrew Nicholson.Nakapagtala ng conference-low 27 points si Nicholson kasunod na rin ng hinakot na 35 puntos sa huling laro nito sa semifinals series kung saan napatalsik nila sa kontensyon ang San Miguel Beer.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Ibabandera muli ni Gin Kings coach Tim Cone sina Justin Brownlee, LA Tenorio, Scottie Thompson, at Jamie Malonzo.

Inaasahang tutulong din sa mga ito sina Stanley Pringle at Japeth Aguilar.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Bay Area Dragons head coach Brian Goorjian na gaganti sila sa Ginebra at dadaanin nila sa mas pisikal ang Game 2.

Magsisimula ang salpukan ng Gin Kings at Bay Area dakong5:45 ng hapon.