Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na nakatanggap siya ng gold play button mula sa YouTube channel, matapos magtala ng 2.75M subscribers.

Ipinagkakaloob ang gold play button sa YouTubers na pumapalo sa 1M o isang milyon pataas ang subscribers.

"May sorpresang regalo tayong natanggap ngayong Pasko!"

"Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta at sumusubaybay sa ating social media."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Maligayang Pasko po sa ating lahat!" ayon sa caption ng latest vlog patungkol dito.

Makikita sa vlog na masayang-masaya si PBBM nang ilahad sa kaniya ng isang staff ang natanggap na sorpresa mula sa YouTube.

"Matagal din nating hinintay 'to," sey ng pangulo.

"Huwag po sana kayong magsawa sa suportang ibinibigay ninyo sa akin," saad pa ni PBBM.